Ang Mitolohiya ay isang kwentong bayan na nagpasalin- salin sa pamamagitan ng pagkukwento. Naging parte na ito ng buhay ng mga Pilipino at makikita ang mga ito sa kultura, mga tradisyon at sining sa Pilipinas. Ang mga mitolohiyang Pilipino ay medyo buhay pa rin sa mga probinsiya at kanayunan.

Napakaraming Mitolohiya ng mga Pilipino. Ang Mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ang mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos at diyosa, mga hayop at halimaw, mga mahiwagang nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikang gaya ng mga epiko at alamat.

Ito'y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga sina-unang tao sa Pilipinas. Hangang ngayong ang paniniwala sa mga diyos- diyosan sa Mitolohiyang Pilipino ay mapapansing pinag-ugatan ng ating mga paniniwala at pamahiin.

Si Hanara at ang ligaw na kaluluwa

Mula sa mga kwento ng Mitolohiya
Sa Likha at Panulat ni Jon Lerio




Ika-7 na labas

       "Apo, ano nangyari sa iyo, bat ganyan ang hitsura mo?" ang salubong na tanong ni Olang Emo sa kanyang apo. "Wala bang tubig sa ilog, kaya sa putikan ka na lamang nagligo?" ang dagdag nito atsaka tumawa.

       Isang ngiti na may kasamang kalot sa noo ang sagot ni Hanara sa kanyang Lolo Emo na isang Albolaryo sa kanilang lugar. Tawang-tawa ang matanda sa hitsura ng kanyang dalagitang apo. Dumiretso na pumasok si Hanara sa loob ng bahay at tumungo sa kanyang silid.

       Umuwi si Hanara sa kanila na puno ng putik ang buong katawan na mula sa paghagis sa kanya ni Salome sa putikan. Halos matakpan ng putik ang kanyang mukha at tilang hindi na matanaw ang magandang mukha nito.

       Maputi ang kutis ni Hanara, katamtaman lamang ang tangkad nito, mahaba ang buhok, at mabilog ang mga mata. Higit sa lahat nakaakit- akit ang kanyang kagandahan.

       Malalim na ang gabi, pero hindi parin makatulog si Hanara. Nakaukit parin sa kanyang isip ang mga nangyari sa Baryo Duenyas. Hindi niya akalain na ang kanyang mga kaibigan na sina Amor at Salome ay mga Aswang. Buti nalang nakatakas siya at nakauwi sa kanilang bahay na ligtas. Pero ang mas nakaukit sa kanyang isipan ay yung babaeng nakasuot ng puti na kanyang nakita. At bakit siya tinulungan nito na makatakas mula sa Baryo Duenyas kung saan tirahan ng mga Aswang.

       "Sino ang babaeng na iyon?" ang bulong na tanong sa kanyang sarili.

       Isang malaking katanungan at palaisipan para sa kanya nang mga oras na iyon. Mayamaya ay may narinig siyang na isang malamig na boses at tinatawag ang kanyang pangalan.

       "Haanaraaa!" isang malamig na boses na kanyang narinig.

       Napalingon si Hanara sa pintuan ng kanyang silid na nakabukas.

       "Lolo, ikaw ba iyan?.. Lolo?"

       Walang may sumagot. Kaya, tumayo siya mula sa kanyang higaan, at tumungo sa pintuan ng kanyang silid. Baka si Lolo Emo niya ang tumawag sa kanya at ang boses na kanyang narinig. Sumilip siya sa labas.

       "Lolo?.."

       Walang tao sa labas ng silid.

       Tuloy na alala niya pala na nagpaalam sa kanya kanina ang Lolo Emo niya na may pupuntahan sa kabilang bayan at baka umaga na ito makauwi, kasi may isang babae doon na sinapian ng kaluluwa na dapat niyang gamutin. Pero sino ang boses na kanyang narinig at tinawag ang kanyang pangalan.

       "Haaanaraaa!"

       Narinig muli ni Hanara ang malamig na boses na tinawag ang kanyang pangalan. Napalingon siya sa loob ng kanyang silid. Sa loob na galing ang malamig na boses. Napatingin siya sa bintana ng kanyang silid. Nakita niyang iniihip ng hangin ang kortena sa bintana, at meron siyang may nakitang anino ng babae sa likod ng kortena. Dahan-dahan siyang pumasok sa kanyang silid, at dahan-dahan din niyang dinampot ang kanyang pana na nakasandig sa gilid ng kanyang higaan. Kinabit niya ang sibat sa pana at tinutok sa isang anino na nasa likod ng kortena.

       Dahan-dahan siyang lumapit sa bintana, biglang binuka ang kortena. Walang tao. Binaba niya ang hawak na pana. Sumilip siya sa labas ng bintana. Inikot ang paningin sa bawat sulok. Talagang walang tao.

       Mayamaya ay ramdam niya na parang may tao sa kanyang likuran. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang pana. Bigla siyang lumingon na sabay tinutok ang pana. Pero wala siyang may nakitang tao. Ramdam niya na parang pinaglalaruan lamang siya na kung sino man ang nilalang na nasa paligid nang mga oras na iyon.

       Naisipan niyang isarado na lamang ang bintana ng kanyang silid. Sa paglingon niya sa bintana, tumampad sa kanyang harapan ang isang babaeng nakasuot na puti. Napaurog siya at bumagsak sa kanyang higaan. Nabitiwan niya ang kanyang hawak na pana.

       "Tulungaaan mo akooo!" ang sambit ng babaeng nakasuot na puti.

       Hindi maigalaw ni Hanara ang kanyang buong katawan. Tilang may humawak na mahigpit sa kanyang mga kamay at paa na hindi niya makikita.

       Lumutang na lumapit ang babaeng nakasuot na puti kay Hanara. Sumapi ito sa katawan ng dalagita. Hanggang lumabas sa kanyang mga mata ang maputing liwanag.