Ika-6 na labas
Natamaan ni Hanara ng sibat ng kanyang pana si Mariya sa kaliwang dibdib. Bumagsak si Mariya sa lupa. Tumigil sa pagtatakbo ang mga taga-baryo at lumapit sa kinaroroonan ni Mariya. Nilapitan ni Tenyente Gemo ang kanyang asawa at wala nang buhay. Binunot niya ang nakatusok na sibat ng pana sa kaliwang dibdib ng kanyang asawa.
"Huwag niyong hayaan tumakas ang mga iyan!" ang sigaw na utos ni Tenyente Gemo sa mga kasamang taga-baryo.
Sabay na umataki ang mga taga-baryo na patungo sa kinaroroonan ng dalawang magkaibigan na sina Hanara at Salome.
Sabay din na nagpalit anyo ang mga ito na bilang mga Asbo na mga malalaking aso. Mga Manananggal na kalahati ang katawan na lumilipad. Mga Tiktik na humahaba ang mga dila. Mga abwak na sumisisid at mabilis na gumagapang sa ilalim ng lupa. Mga Kubot na binubuka ang mga pakpak upang lansihin ang mga bibiktimahin. At mga Amalanhig na kumakain ng katawan ng tao hanggang maging buto.
"Nandiyan na sila, Hanara!" ang sabi ni Salome sa kaibigan.
Kampanti parin si Hanara sa kanyang kinaroroonan na walang takot at pangamba sa dibdib na hindi tulad kay Salome na takot na takot nang mga oras na iyon. Tilang alam ni Hanara ang kanyang gagawin. Isa-isa niyang pinagmamasdan ang galaw ng mga umaataking Aswang. Palapit na nang palapit ang mga ito sa kanilang kinaroroonan.
Mayamaya ay bumunot muli si Hanara ng isang sibat sa loob ng kanyang dalang bag. Nilagay niya ang sibat sa pana at tinutok sa parating na mga umaataking Aswang.
"Hindi kaya ng isang sibat iyan sa dami nila, Hanara!" ang sabi ni Salome sa kaibigan.
"Tingnan natin!" ang sambit ni Hanara.
Binitiwan ni Hanara ang sibat sa kanyang hawak na pana at lumipad ito na patungo sa mga umaataking Aswang. Humarorot ang lipad ng sibat sa hangin na biglang dumami ito at tumama sa mga Aswang. Bagsak ang lahat na mga Aswang sa lupa.
Hindi makapaniwala si Tenyente Gemo sa kanyang nakita, isang sibat lamang ay bumagsak ang lahat ng kanyang mga alagad. Ganun din si Salome ay hindi rin siya makapaniwala sa ginawa ni Hanara. Ito ay nagtaka sa kaibigan.
Tinulongan ni Hanara si Salome na makatayo at lumayo sa lugar na iyon. At tuluyan silang nakalayo sa Baryo Duenyas nang gabing iyon.
Nakarating ang dalawa sa kalsada. Tahimik ang buong paligid, tanging mga puno at mga damo ang makikita ng dalawa sa lugar na iyon. Ang buwan ay unti-unting lumabas sa makapal na ulap at sumabog ang liwanag nito sa paligid.
Biglang nadapa si Salome sa lupa na sabay sigaw habang nakahawak sa kanyang tiyan. Tilang nakaramdam siya ng sakit sa tiyan.
"Salome, ano nangyari sa iyo?" alalang tanong ni Hanara sa kaibigan.
Tuloy ang sigaw ni Salome.
Biglang nag-iba ang hitsura ni Salome, nagsilabasan ang mga ugat sa kanyang mukha at ang mga mata niya ay mabilog na kulay pula. Hinagis niya si Hanara sa malayo, at tumama ang katawan ni Hanara sa malaking puno na pina-iikutan ng maputik na lupa. Mayamaya ay lumitaw ang mga pakpak sa likod ni Salome, at dahan-dahan ito na hahati sa dalawa ang kanyang katawan. Lumipad ang kalahating katawan ni Salome na may pakpak habang ang kanyang paa ay naiwan sa lupa.
Tumayo si Hanara at tinutok ang hawak na pana na may sibat sa nilalang na lumilipad. Ang kanyang kaibigan na si Salome ay isa pa lang Manananggal.
"Isa ka rin pala sa kanila!" ang sambit ni Hanara.
Lumipad ang Manananggal na patungo sa kinaroroonan ni Hanara, tilang dadagitin niya ito. Biglang may malakas na hangin ang dumaan sa tabi ni Hanara na patungo sa lumilipad na Manananggal. Hinagis ng malakas na hangin ang Manananggal at natapon siya sa malayo.
Napalingon si Hanara at nakita niya ang isang nakaputing suot na babae na nakatayo sa malaking puno na hindi kalayuan mula sa kanyang kinatatayuan.

Ang magkaibigan
Mula sa mga kwento ng Mitolohiya
Sa Likha at Panulat ni Jon Lerio
Sa Likha at Panulat ni Jon Lerio
