Mitolohiya
-o0o-
Ang Mitolohiya ay isang kwentong bayan
na nagpasalin- salin sa pamamagitan ng pagkukwento.
Naging parte na ito ng buhay ng mga Pilipino
at makikita ang mga ito sa kultura,
mga tradisyon at sining sa Pilipinas.
Ang mga mitolohiyang Pilipino ay medyo buhay pa rin
sa mga probinsiya at kanayunan.
Napakaraming Mitolohiya ng mga Pilipino.
Ang Mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan
ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin
hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang
at nilikha ng mga Pilipino.
Ang mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng
mga diyos at diyosa, mga hayop at halimaw,
mga mahiwagang nilalang at mga diwata.
Ito rin ay binubuo ng mga panitikang gaya
ng mga epiko at alamat.
Ito'y mga paniniwala na mula sa mga panahon
bago dumating ang mga sina-unang tao sa Pilipinas.
Hangang ngayong ang paniniwala sa mga diyos- diyosan
sa Mitolohiyang Pilipino ay mapapansing pinag-ugatan
ng ating mga paniniwala at pamahiin.