Ang Mitolohiya ay isang kwentong bayan na nagpasalin- salin sa pamamagitan ng pagkukwento. Naging parte na ito ng buhay ng mga Pilipino at makikita ang mga ito sa kultura, mga tradisyon at sining sa Pilipinas. Ang mga mitolohiyang Pilipino ay medyo buhay pa rin sa mga probinsiya at kanayunan.

Napakaraming Mitolohiya ng mga Pilipino. Ang Mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ang mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos at diyosa, mga hayop at halimaw, mga mahiwagang nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikang gaya ng mga epiko at alamat.

Ito'y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga sina-unang tao sa Pilipinas. Hangang ngayong ang paniniwala sa mga diyos- diyosan sa Mitolohiyang Pilipino ay mapapansing pinag-ugatan ng ating mga paniniwala at pamahiin.






ASYONG
Ang binatilyong Sepulturero na mayroong ikatlong mata sa noo.
Ang tagabantay ng sementeryo. Lagi niyang dala ang kanyang mahiwagang piko.
Isang bagsak ng kanyang piko ay dumadagundong sa lupa ang bitak nito
ay tutungo sa kanyang kalaban at hihilain pababa ng lupa
hanggang ito ay mailibing.

TENYENTE GEMO
Isang Bangkilan na kinakatakutan.
Pinuno ng mga Aswang. Mabangis at malupit na mandirigma.
Pumapatay ng tao at kinakain ang lamang- loob nito.
Sandata niya ang kanyang
mahabang kuko at dila.

HANARA
Apo ng isang Albolaryo na sinasapian
ng ligaw na kaluluwa.
Magaling humawak ng pana.

BERHINA
Isang ligaw na kaluluwa, na sumasanib sa katawan ni Hanara
upang hanapin ang nawawalang anak nito.
Kakayahan na galawin at lutangin ang mga bagay
na tinitigan ng mata o tinuturo ng daliri.

GUBA
Ang batang gubat. Kakayahan niyang makipag-usap
sa hayop at kalikasan. Kaya din niyang basahin at hulaan
ang senyales mula sa kalangitan.
Bangkaw ang kanyang sandata.

DAKU
Isang Kapre na nakakamatay ang buga ng usok
mula sa kanyang tabako. Siya ang mandirigmang tagabantay
sa matandang puno kung saan nandoon
ang lagusan patungo sa mundo
ng mga Engkanto.

TIKBO
Isang Tikbalang na mabilis ang takbo
kasing bilis ng isang segundo.
Ang nilalang na gumagala upang humanap
ng mga kababaihan na
kanyang halayin.

PADRE DAMASO
Isang pari na may lahing Asbo na nagpalit anyo
bilang isang malaking aso.
Latigo ang kanyang sandata
laban sa mga kaaway.

BURIHAYA
Ang Mangkukulam na nakatira sa yungib.
Isa siyang magandang dalaga na
naging masama dahil sa niloloko siya
ng kanyang kasintahan.

MAGENDARA
Isang Serena sa dagat na kalahating tao at kalahating isda.
Nilulunod nito ang mga mandaragat at nag-aakit
gamit ang kagandahan. Pinakamakapangyariha­n sa ilalim ng dagat
ngunit minsa'y maririnig na
humuhuni ng malungkot na awitin.

DULOBMON
Isang makulit na Duwende na kaibigan ni Asyong.
Sa kanyang kaliitan ay malakas itong sumuntok at sumipa,
Kaya niyang ihagis sa malayo ang kalaban.

MAHARLIKA
Isang magandang Diwata na nakatira sa isang kaharian
na matatagpuan ang lagusan sa matandang puno
na binabantayan ng isang kapre.

TAGBANWA
Isang masamang Engkanto na gustong sakupin
ang mundo ng tao.
Palakol ang kanyang sandata.

ABALAYAN
Isang Maligno na may kakayanan na gayahin
ang pagkatao ng iba upang linlangin
ang mga ito.

SALOME
Isang Manananggal na kalahati
ang katawan na lumilipad.
Matalik na kaibigan ni Hanara.

OLANG EMO
Isang matandang Albolaryo na nilalapitan
ng mga may sakit tulad ng kulam,
sapi at iba pa.

DIYABLO
Diyos ng dilim na may siyam na sungay at apat ang kamay.