Ang Mitolohiya ay isang kwentong bayan na nagpasalin- salin sa pamamagitan ng pagkukwento. Naging parte na ito ng buhay ng mga Pilipino at makikita ang mga ito sa kultura, mga tradisyon at sining sa Pilipinas. Ang mga mitolohiyang Pilipino ay medyo buhay pa rin sa mga probinsiya at kanayunan.

Napakaraming Mitolohiya ng mga Pilipino. Ang Mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ang mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos at diyosa, mga hayop at halimaw, mga mahiwagang nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikang gaya ng mga epiko at alamat.

Ito'y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga sina-unang tao sa Pilipinas. Hangang ngayong ang paniniwala sa mga diyos- diyosan sa Mitolohiyang Pilipino ay mapapansing pinag-ugatan ng ating mga paniniwala at pamahiin.

Ang pamilyang Bangkilan

Mula sa mga kwento ng Mitolohiya
Sa Likha at Panulat ni Jon Lerio




Ika-4 na labas

       Sugatan na bumagsak si Tenyente Gemo sa harap ng pintuan. Dali-daling lumapit sa kanya ang kanyang asawa na si Mariya at ng kanyang nag-iisang anak na babae na si Amor. Agad naman siyang tinulungan ng mag-inang Bangkilan, inalalayan na patungo sa kanyang silid at pinahiga sa higaan.

       Lumabas si Amor sa silid na para kumuha ng gamot sa sugat ng kanyang ama. Naiwan si Mariya sa loob ng silid at binabantayan ang sugatan na asawa.

       Hinubaran ni Mariya ng damit ang asawa at tiningnan ang sugat na nasa kanang dibdib. Dahan-dahan niyang hinawakan ang sugat. Malalim ang sugat na natamo ni Tenyente Gemo, namamaga at itim na dugo ang lumalabas mula sa sariwang sugat nito.

       Mayamaya ay pumikit ang mga mata ni Mariya. Pinaikot niya ang kanyang leeg na sinabayan nang dasal. Humihingi ng kapangyarihan na mula sa dilim upang pagalingin ang sugat ng kanyang asawa. Habang ang kanyang kaliwang kamay ay nakapatong sa kanang dibdib ng kanyang asawa na mayroong sugat. Bigla niyang binuksan ang kanyang mga mata na kulay pula at nag-aapoy ang mga ito. Binuka niya ang kanyang bunganga at nilabas ang dila at unti-unti itong humaba. Dahan-dahan dumapo ang mahabang dila ni Mariya sa sugat ni Tenyente Gemo.

       Sa labas ng pintuan ng silid ay nandoon ang dalagang si Amor na sumisilip. Nakatayo na habang pinapanood niya ang ginagawa ng kanyang ina na dinidilaan ang sugat ng kanyang ama. Basang- basa ang sariwang sugat ng kanyang ama, mula sa malankit na laway ng kanyang ina. Alam niyang epiktibong gamot sa sugat ang malangkit na laway ng isang Bangkilan upang madaling mahilom.

       Si Amor ay nag-iisang anak na babae nina Mariya at Tenyente Gemo. Mala-morena, mabilog ang mga mata, makinis ang balat at pinagmamalaki na ilongga.

       Nakakaakit ang kagandahan ni Amor. Maraming binata ang nanliligaw at humaling sa kanya. Nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo, at kumukuha ng Medisina. Ang kanyang kagandahan, ang kanyang pang-akit upang magbiktima. Pumapatay siya ng tao at kinakain ang lamang loob nito. Paborito niya sa lahat ang puso ng tao. Sa katunayan, marami na siyang nabiktima sa kanilang paaralan. Marami nang napabalita na mayroong mga estudyante at mga guro ang natagpuang patay at wala nang lamang loob.

       Patuloy ang paghasik ng lagim ni Amor sa kanilang paaralan. Kahit sino ay walang nakakaalam na siya ang pumapatay at gumagawa ng mala-demonyong gawain. Malinis niyang magawa na mag-isa ang lahat. Sa likod ng kanyang nakakaakit na kagandahan ay nandoon ang tunay ng kanyang pagkatao, na isang Bangkilang Aswang.

       Si Mariya naman ay isang mapagmahal na ina at asawa. Tulad ng kanyang anak na si Amor ay mayroon din itong kagandahan. Noong dalaga pa ito ay marami din manliligaw. Ngunit isa lamang ang bumihag sa kanyang puso. Ang anak ng isang sakada, na walang iba kundi si Tenyente Gemo. Parehong may lahing Bangkilan ang dalawa. Si Tenyente Gemo ay mula sa pamilyang sakada. Habang si Mariya ay mula sa pamilyang datu.

       Naging magkasintahan ang dalawa. Subalit ang kanilang relasyon ay mayroong tumututol. Ayaw ng mga magulang ni Mariya kay Tenyente Gemo, ang kadahilanan ay anak siya ng isang hasiyendero at umiibig sa anak ng kanilang sakada. Isang malaking kahihiyan sa kanilang pamilya. Langit at lupa ang kanilang katayuan.

       Ipinaglaban ng dalawa ang kanilang pag-iibigan hanggang nagdadalang tao si Mariya. Nang malaman ito ng kanyang mga magulang ay tinakwil siya. Sumama si Mariya kay Tenyente Gemo. Nagsama ang dalawa at bumuo ng isang pamilya. Isinilang ni Mariya ang kanilang anak ni Tenyente Gemo na isang malusog na sanggol at pinangalanan kay Amor.

       Isang hapon noon na habang pauwi si Mariya na mula sa pagtitinda ng gulay sa bayan ay hinarangan siya ng pitong kalalakihan sa daan. Mayroon na dala-dalang baril ang mga ito at mayroon din na bitbit na patay na mga ibon. Tiyak, mula sa pangangaso ang mga ito.

      Pinagpasa-pasahan si Mariya ng mga kalalakihan. Lumaban si Mariya. Pero sinuntok siya sa tiyan nang isa sa pitong kalalakihan. Dumilim ang paningin ni Mariya hanggang siya ay nawalan ng malay.


       Nang nakamalay si Mariya ay wala na siyang saplot. Hubad-hubad ang buong niyang katawan. Pinaikutan siya ng pitong kalalakihan na sinabayan ng tawanan. Sunod-sunod siyang pinagsamantalahan ng mga ito. Umabot ng dilim ang pagsasamantala kay Mariya ng pitong kalalakihan.

       Ang buwan sa kalangitan ay unti-unting lumabas sa makapal na ulap at dahan-dahan lumiwanag ang kinaroroonan ni Mariya. Bilang nag-aapoy ang mga mata ni Mariya at dahan-dahan humaba ang kanyang mga kuko. Nagulat ang pitong kalalakihan sa kanilang nakita. Bilang kinagat ni Mariya ang lalaking nakapatong sa kanya. Dali-daling kinuha ng mga kalalakihan ang kanilang mga baril. Ang isa sa kasamahan ay binunot niya ang kanyang itak at tinaga kay Mariya. Tinamaan si Mariya sa mukha. Tumakas si Mariya, at agad naman siyang hinabol ng mga ito.

      Pinagbabaril ng mga kalalakihan si Mariya hanggang natamaan ito sa kaliwang balikat. Bumagsak si Mariya sa lupa. Dahan-dahan lumapit ang mga kalalakihan na habang tinututok ang mga hawak na baril sa sugatang si Mariya.

      Mayamaya ay dumating si Tenyente Gemo at isa-isa niyang binabagsak ang mga kalalakihan. Duguan na nakahandusay sa lupa ang mga kalalakihan at wala na mga lamang loob.

      Lumapit si Tenyente Gemo kay Mariya, at agad naman siyang niyakap ng asawa.

      Mula nang pangyayari yun ay nagbago si Mariya, naging mabangis na siyang Bangkilan at kinakatakutan ng lahat. Kaya binagsagan siyang Mariya Labo Aswang, dahil sa kanyang malaking piklat sa mukha.