Ang Mitolohiya ay isang kwentong bayan na nagpasalin- salin sa pamamagitan ng pagkukwento. Naging parte na ito ng buhay ng mga Pilipino at makikita ang mga ito sa kultura, mga tradisyon at sining sa Pilipinas. Ang mga mitolohiyang Pilipino ay medyo buhay pa rin sa mga probinsiya at kanayunan.

Napakaraming Mitolohiya ng mga Pilipino. Ang Mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ang mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos at diyosa, mga hayop at halimaw, mga mahiwagang nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikang gaya ng mga epiko at alamat.

Ito'y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga sina-unang tao sa Pilipinas. Hangang ngayong ang paniniwala sa mga diyos- diyosan sa Mitolohiyang Pilipino ay mapapansing pinag-ugatan ng ating mga paniniwala at pamahiin.

Ang pagtutu-os

Mula sa mga kwento ng Mitolohiya
Sa Likha at Panulat ni Jon Lerio




Ika-3 na labas

       Buong araw na inukay ni Asyong ang bakanting lupa na matatagpuan sa gitna ng Sementeryo. Sa pagod ay nakatulog siya sa ilalim ng malaking puno ng balete, nakaupo habang nakasandig ang kanyang likuran sa puno. Nang madilim na ang paligid nang siya ay gumising . Napatingin siya sa inukay na lupa na katabi lamang sa kanyang kinaroroonan. Tatlong metro ang lalim ng ukay at tama lang ang lalim para sa bagong ilibing.

       Tumayo si Asyong sa kanyang inuupuan. Dinampot niya ang kanyang piko na nakasandig sa puno at katabi lamang niya. Nilagay niya ito sa kanyang balikat. Pasan niya ito patungo sa kanyang kubo. Nang hindi pa siya nakapasok sa kanyang kubo ay narinig niya ang uwang ng aso sa paligid. Napalingon ang binatilyong Sepulturero. Inikot niya ang kanyang paningin sa paligid. Napatingin siya sa buwan na dahan-dahan lumabas sa makapal na ulap habang sa ilalim ng liwanag nito mayroong nagliliparang mga paniki. Senyales ito na mayroong kalaban sa paligid.

       Sa dulo ng sementeryo, sa itaas na bahagi ng nakapatung-patong na puntod ay sabay na dumapo ang mga nagliliparang paniki at dahan-dahan itong naging isang anyong nilalang na nakatayo habang ang bilog na buwan ay nasa kanyang likuran. Nalilisik ang mga mapulang mata nito habang ginagalaw-galaw ng kanyang mga daliri ang mga mahabang kuko. Ang kanyang mga bangkil ay nanabik na makakagat ng sariwang atay ng tao.

       Humakbang palapit si Asyong, at mahigpit niyang hinawakan ang kanyang piko. Sa oras na umataki ang nilalang na iyun ay mayroon siyang panglaban. Ang piko, ang kanyang dipensa na laban sa nilalang na iyun.

       Unti-unting nagliwanag at lumutang ang mukha ng nilalang na nakatayo sa dulo. Ganun na lamang ang galit ni Asyong ng makita ang mukha ng nilalang na iyun. Si Tenyente Gemo ang nilalang na nakatayo sa itaas ng nakapatung-patong na puntod habang ang bilog na buwan ay nasa kanyang likuran nito. Hindi malilimutan ni Asyong na si Tenyente Gemo ang dahilan sa pagkawala ng kanyang kinikilalang ama-amahan. At hindi niya alam kung saan nito dinala. Gusto niyang malaman na kung buhay pa ba ito o patay na. Iyan ang gusto niyang malaman sa mga oras na iyun.

       Nag-aapoy ang mga mata ni Tenyente Gemo na nakatingin kay Asyong. Habang nagkukuryente naman ang mga mata ni Asyong na nakatingin kay Tenyente Gemo. Matagal na nagtinginan ang dalawang panig. Tilang hinintay ang hudyat sa isa't- isa na kung sino sa kanilang dalawa ang unang umataki.

       Mayamaya ay sabay umataki ang dalawa. Hudyat na ng pagtutu-os. Sepulturero laban sa Bangkilan. Ang sagupaan Ng dalawang mandirigmang nilalang.

       Tumalon si Asyong na sabay itinaas ng kanyang dalawang kamay ang piko at malakas na hinampas sa kasalubong na si Tenyente Gemo. Mabilis na umiwas si Tenyente Gemo. Tumama ang piko sa lupa at dumadagundong ang bagsak sa lupa at bumitak. Agad dinakip ni Tenyente Gemo ang leeg ni Asyong, at sinakal niya ng mahigpit sa leeg. Nabitiwan ng binatilyong Sepulturero ang hawak niyang piko. Nilabas ni Tenyente Gemo ang kanyang mahabang dila. Sinuntok ni Asyong sa panga si Tenyente Gemo. Ramdam ni Tenyente Gemo ang sakit ng kanyang panga mula sa suntok ng kamao ni Asyong. Tinapon ni Tenyente Gemo ang binatilyong Sepulturero sa malayo. Bumagsak ang katawan ni Asyong sa isang puntod at ito ay nasira. Bumangon si Asyong at nakahanda muling lumaban.

       Umataki si Tenyente Gemo na patungo sa kinaroroonan ni Asyong. Sinalubong ni Asyong si Tenyente Gemo habang ang kanyang kaliwang kamay ay tinutok sa malayong nilalagyan ng piko. Gumalaw mag-isa ang piko at lumipad patungo sa kanya na tumatakbong palapit. Sinalo ng kanyang kaliwang kamay ang lumilipad na piko. Hinampas ni Asyong ang piko kay Tenyente Gemo, pero di ito natamaan. Gumanti ng maraming pag-ataki si Tenyente Gemo na gamit ng kanyang mga mahabang kuko kay Asyong pero di rin niya ito natamaan. Panay ang iwas ng binatilyong Sepulturero sa mga mahabang kuko ni Tenyente Gemo. Ganun din si Tenyente Gemo, panay ang iwas niya sa mga hampas ng piko. Hanggang sa malakas na hinampas ni Asyong ng piko si Tenyente Gemo at ito ay natamaan sa kanang dibdib at tumapon sa di kalayuan.

       Tinakbong nilapitan ni Asyong ang kinaroroonan ni Tenyente Gemo at tumalon na habang itinaas ng kanyang mga kamay ang piko, at hinampas sa lupa. Malakas ang bagsak at dumadagundong ang lupa na sinabayan ng makuryunting kidlat. Bumitak ang lupa at bumabalot ang makapal na alikabok sa paligid.

       Nang unti-unting mawala ang alikabok na bumabalot sa paligid ay ganun din ang pagkawala ni Tenyente Gemo. Nakatakas siya sa makuryunting kidlat mula sa mahiwagang piko ni Asyong.