Ika-5 na labas
Ang lahat na nakatira sa Baryo Duenyas ay iba't-ibang uri ng mga Aswang na pinamumunuan ng isang malakas na mandirigma na mula sa mga lahing Bangkilan, si Tenyente Gemo.
Si Tenyente Gemo ang kanilang kinilalang pinuno. Dahil siya ang pinakamalakas at magaling na mandirigma. Pinamumunuan niya ang mga lahing Asbo na nagpalit anyo bilang isang malaking aso. Mga Manananggal na kalahati ang katawan na lumilipad. Mga Tiktik na humahaba ang mga dila. Mga abwak na sumisisid at mabilis na gumagapang sa ilalim ng lupa. Mga Kubot na binubuka ang mga pakpak upang lansihin ang mga bibiktimahin. At mga Amalanhig na kumakain ng katawan ng tao hanggang magiging buto.
Naghahanda ang buong baryo ng Duenyas sa nalalapit ng kanilang kapistahan. Dinidiriwang ito sa ikalawang araw ng Nobyembre, kasabay sa araw ng Undas. Tuwing kapistahan sa kanilang baryo ay nag-aalay sila ng buhay ng tao atsaka kakatayin para sa kanilang kinikilalang diyos ng dilim, upang bigyan sila ng dagdag na lakas at kapangyarihan.
Ang dalagang anak na babae ni Tenyente Gemo na si Amor ay nag-imbita sa kanyang mga kaklase sa kanilang bahay, at dalawa sa kanila ang pumunta. Si Salome at si Hanara ang matalik na kaibigan ni Amor. Pumunta ang dalawa para makipagsaya sa pista. Sila ay mainit na tinanggap ni Tinyente Gemo at Mariya.
Nang malalim na ang gabi, natulog sina Salome at Hanara sa kwarto ni Amor. Dahil, hindi kasya ang dalawa sa kama, nagpasya sila na matulog na lamang sa sahig.
Si Hanara ay hindi maganda ang kanyang nararamdaman dahil hindi siya kumportable. Makalipas ang ilang saglit ay bumangon ito at sumilip sa bintana. Nakita niya ang ilang tao na pumasok sa bahay at sinundan nang tawanan. Habang ang iba naman ay abala sa pag-aasikaso sa mga lulutuin. Nag-iinuman ang mga kalalakihan. Samantalang ang mga kababaihan naman ay naghahanda ng mga iluluto. Nakita rin niya ang malaking lutuan sa labas kaya naisip niya na marami ang lulutuin.
Tumigil sa paglalakad si Tenyente Gemo at ang kasama nitong lalaki sa tapat ng bintana kung saan nandoon si Hanara na sumisilip sa kanila. Narinig ni Harana si Tenyente Gemo ang ama ni Amor na nakikipag-usap sa isang tao.
"Sino?" ang tanong ng lalaki.
"Ang nasa gitna at nasa kanan." ang sagot ni Tenyente Gemo.
Sinabi naman ng lalaki na magsasama siya ng tatlo o apat na kabaryo para makasiguro na hindi makakawala ang mga ito. Idinagdag ng lalaki na papaluin nalang umano nila ang mga ito para mawalan ng malay at hindi na mag-ingay.
Kinutuban si Hanara sa kanyang narinig na mayroong masamang balak sa kanila ang lalaki. Dahil ang tinutukoy nitong nasa gitna ay walang iba kundi siya at ang nasa kanan ay si Salome ang kanyang kaibigan. Nakahiga naman sa kaliwa si Amor.
Nang marinig ni Hanara na papaakyat na ang mga lalaki. Bumalik siya sa kanilang higaan. Iniurong niya si Amor sa gitna at humiga siya sa kaliwa. Tinakpan niya ng kumot ang mukha nilang tatlo. Nagpanggap siyang tulog at iniwasan na gumalaw upang hindi mapansin ng parating na mga kalalakihan. Nang pumasok ang mga lalaki sa silid ay una nilang pinalo ang babae sa gitna. Agad nilang ibinalot ito ng kumot at lumabas.
Paglabas ng mga lalaki ay ginising ni Hanara si Salome na mula sa mahimbing na tulog nito. Natataranta ito nang sinabihan siya ni Hanara at nanginginig ito sa takot.
Dinampot ni Hanara ang kanyang bag at lumapit silang dalawa sa bintana at binuksan, dahan-dahan silang bumaba at tumungo sa malaking puno. Nakita ng dalawa yung mga lalaki na binubugbog ang nasa loob ng sako. Kaya, kumaripas sila ng takbo at hindi pa nakalayo ay narinig nila ang sigaw na...
"Nagkamali kayo ng babaeng kinuha!" ang sigaw ni Tenyente Gemo.
Galit na galit ang mag-asawang si Tenyente Gemo at Mariya nang makita na ang anak nila na si Amor ang nasa loob ng sako. Duguan at wala nang buhay. Pinahalughog nila ang bahay atsaka pa lamang nila nalaman na nawawala na ang dalawang kaibigan ng kanilang anak.
Kumaripas ang takbo ni Hanara at Salome na patungo sa kagubatan. Alam ng dalawa na hinahabol sila ng buong baryo, dahil sa pagkamatay ni Amor.
Kahit madilim ang paligid ay tuloy-tuloy ang takbo ng dalawa. Hindi alam ng mga ito na kung saan sila tutungo. Hindi nila kabisado ang lugar. Dahil mga dayu lamang sila doon.
Makakapal ang damu at malalaking puno ang nasa paligid. Ang ugat ng mga puno ay gumagapang sa lupa.
Sa bawat kanilang dinadaanan ay hindi maiiwasan na bumagal ang kanilang takbo. Hanggang natipalok si Salome sa ugat ng mga puno na gumagapang sa lupa. Nadapa ito at napilayan sa kaliwang paa. Ramdam niya ang sakit at hindi na ito makatayo.
"Umalis kana, iwanan muna ako dito! Tumakas kana!" ang sabi ni Salome kay Hanara.
"Hindi kita iiwan dito!"
Natanaw ng dalawang dalagita sa hindi kalayuan na papalapit na ang buong baryo. Takot na takot ang mukha ni Salome. Habang si Hanara ay kampanti lamang.
Binuksan ni Hanara ang kanyang dalang bag at mayroon itong dinukot. Isang pana ang kanyang kinuha na mula sa loob ng kanyang bag.
Si Hanara ay isang magaling na atleta ng pana sa kanilang paaralan kaya laging niyang dala-dala ang kanyang pana na kahit saan siya pumunta.
Kumuha siya ng isang sibat at nilagay sa pana. Pagkatapos tinutok sa paparating na taga-baryo na humahabol sa kanila. Isa sa tinutukan niya ay si Mariya. Mayamaya ay binitiwan niya ang sibat at natamaan si Mariya sa kaliwang dibdib, bumagsak si Mariya sa lupa.

Ang Baryo Duenyas
Mula sa mga kwento ng Mitolohiya
Sa Likha at Panulat ni Jon Lerio
Sa Likha at Panulat ni Jon Lerio
